Total Pageviews

Monday, June 29, 2020

Kwentong Dream House nila Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer


Photo courtesy: Team Kramer Facebook Account

Pinakita ng mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia-Kramer ang kanilang Bahay na napakaganda at napakalaki. 


BASAHIN: Isang dream house na hindi mo na gugustuhing lumabas dahil lahat ng kailangan mo nasa loob na ng iyong sariling bakod. Ito ang nasa isip ng aktres na si Cheska Garcia at PBA player na si Doug Kramer nang itinayo ang kanilang bahay. 

Higit sa isang milyon ang fans nila sa kanilang Facebook account. Kaliwa't kanan din ang guestings at endorsements nila.  Ganito kasikat ang mag-asawang Cheska at Doug Kramer kasama ang kanilang tatlong anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin o mas kilala bilang Team Kramer. 

Sa kanilang tatlong palapag na bahay, lahat daw ay paborito nila pero ang pinaka pinaggastusan nila ay ang kanilang home cinema na umaabot daw ng milyon ang halaga. Ipasisilip din nina Doug at Cheska ang kanilang walk-in closet . Ninety percent daw ng laman nito ay damit, sapatos, bags, at accessories ni Cheska.  

Hindi rin magpapahuli ang kanilang mga chikiting dahil may kanya- kanya rin silang closet. Sa katunayan, ang apat na taong gulang at dalawang taong gulang na sina Kendra at Scarlet ang mismong magbibigay ng tour sa kanilang kwarto. Kamakailan lamang ay ni-renovate ito at ginawang Frozen ang tema kung saan bida sa kanilang silid ang Disney characters na sina Elsa at Anna.


Sa kusina naman ng Team Kramer, matatagpuan ang isang cabinet na puno ng junkfood.  Isang wine cabinet din ang makikita dito dahil mahilig daw kasing mag-date sina Doug at Cheska  at masaya na sila kahit sa lanai lamang ng kanilang bahay sila mag-bonding. Isang child-friendly swimming pool din ang pinagawa ng mag-asawa para sa kanilang mga anak. Talagang kumpleto ang kanilang bahay at bihira na raw sila lumabas, mas tipid pa! 

Marami ang napabilib sa team work ng Team Kramer kaya naman marami ang sumusuporta sa kanila. Sa katunayan ay nanguna sila sa isang petisyon  para makapagtayo ng  mobile hospital sa mga probinsya na nasalanta ng Bagyong Yolanda.  Umabot sa 15,000 ang pledge sa petisyon na ito. 

Sa kabila ng kasikatan ng kanilang pamilya ay nasakripisyo naman daw ang kanilang pribadong buhay.
Share:

China has successfully managed to land a space probe on the lunar surface

China has successfully managed to land a space probe on the lunar surface. And thanks to the incredible high-definition images snapped durin...

Followers

Recent Comments

Arsip Blog