Total Pageviews

Tuesday, July 7, 2020

Meralco, magpapadala muli ng bagong liham sa kanilang mga customers.

Dalawang sobre ang matatanggap muli ng bawat customer ng meralco ang isa ay bill at ang isa ay personalized letters na magpapaliwanag kung bakit tumaas ang bill sa panahon ng ECQ. 

Sa kabila ng reklamo ng mga customer nito ay nanindigan pa din ang pamunuon ng meralco na tama ang kwenta nila dito. 

𝗔𝘆𝗼𝗻 𝗸𝗮𝘆 𝗠𝗲𝗿𝗮𝗹𝗰𝗼 𝘀𝗽𝗼𝗸𝗲𝘀𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲 𝗭𝗮𝗹𝗱𝗮𝗿𝗿𝗶𝗮𝗴𝗮, 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗶𝗵𝗮𝗺 𝗮𝘆 "𝗰𝗼𝗿𝗿𝗲𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗺𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗴𝘂𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝗽𝗮𝗻𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗹𝗼𝗰𝗸𝗱𝗼𝘄𝗻.

𝗔𝗻𝗶𝘆𝗮, 𝗻𝗮𝗹𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗰𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿𝘀 𝘀𝗮 𝗲𝘀𝘁𝗶𝗺𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝘁 𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗿𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝘀𝘂𝗺𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝘂𝗿𝘆𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼, 𝗔𝗯𝗿𝗶𝗹, 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝘆𝗼.

𝗜𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗭𝗮𝗹𝗱𝗮𝗿𝗿𝗶𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗲𝗿𝗮𝗹𝗰𝗼 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗹𝗹 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝘂𝗸𝗼𝘆 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝘀𝘁𝗶𝗺𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗮𝘁 𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗹 𝗯𝗶𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴.

Sa kabila nito, nanindigan ang spokesperson na walang overcharging sa billings ng Meralco kamakailan at ang mga reklamo sa kanila ay dahil sa di malinaw na paglalatag ng impormasyon.

Muling humingi ng paumanhin ang Meralco sa kalituhang naidulot ng mga bills at ang pagsipa ng bills ng ilang consumer ay dahil sa mataas na konsumo ng kuryente noong ipinatupad ang enhanced community quarantine.

Share:

China has successfully managed to land a space probe on the lunar surface

China has successfully managed to land a space probe on the lunar surface. And thanks to the incredible high-definition images snapped durin...

Followers

Recent Comments

Arsip Blog